Ibinabala ni Senate Minority Floorleader Franklin Drilon ang nagbabadyang hunger crisis kapag hindi kumilos ang gobyerno.
Kasunod na rin ito nang pagka bahala ni Drilon sa lumalalang kondisyon ng mga mahihirap na Pilipino kung saan mayruong mahigit 7 milyong pamilyang Pilipino ang natutulog ng walang laman ang sikmura.
Kinuwestyon ni Drilon kung bakit nasikmura ng gobyerno na hindi magsama ng pondo para sa social amelioration program sa ilalim ng panukalang 2021 national budget.
Isinulong ni Drilon na gamitin ang P9 bilyong confidential at intelligence fund ng gobyerno P16.4 billion na anti-insurgency fund at P468 billion na umano’y lump sum para sa sap o pang ayuda sa susunod na taon.
Sa latest survey ng Social Weather Station lumitaw na nadagdagan ang bilang ng mga nagugutom sa bansa dulot ng COVID-19 pandemic kung saan mula sa 5.2 million families nuong Hulyo ay tumaas ito sa 7.6 million families ngayong Setyembre. —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)