Umabot na sa hindi bababa sa pito katao ang naitalang patay sa pananalanta ng Hurricane Dorian sa Bahamas.
Itoy matapos mag landfall ng Hurricane Dorian sa Great Abaco Island sa Bahamas na nagresulta rin sa pagkasira ng mahigit 13k na kabahayan sa nasabing lugar.
Nagmistula namang ‘Floating Landfill’ ang itsura ng lugar dahil sa matinding pag baha, at mga sira-sirang imprastraktura at kabahayan, matapos ang pananalanta ni Dorian.
Nagsimula nang mag tulong-tulong ang otoridad pati na rin ang residente sa pag rescue sa iba pang mga na-stranded at nawawala.
Ang Hurricane Dorian ay tinuturing na pinaka malakas na bagyong tumama sa Bahamas sa kasaysayan.