Nananatiling lubog sa baha ang ilang lugar sa Puerto Rico na teritoryo umano ng US matapos ang walang tigil na pag-ulan dahil sa Hurricane Fiona.
Ayon sa mga otoridad, tumama ang bagyo matapos ang limang taon kung saan, itinuturing ito na pinakamalakas dahil sa laki ng epekto na idinulot nito sa nabanggit na lugar.
Nabatid na kabilang sa mga nasira ang ilang mga kabahayan, kalsada at tulay bunsod ng malawakang pagbaha.
Bukod pa dito, nawalan din ng suplay ng kuryente dala ng patuloy na malalakas na pag-ulan dahilan para magdeklara na ng State of Emergency sa US Island si President Joe Biden.