Nagdulot ng malawakang pagbaha at kawalan ng suplay ng kuryente sa mahigit 1 milyong residente ng Florida, USA ang hurricane Irma.
Nasa category 3 na ang hurricane Irma nang una itong mag-landfall sa Marco Island sa Florida at itinaas sa category 4 nang ikalawang beses na nag-landfall sa Cudjoe Key.
Nagdulot din ng pagkabuwal ng mga puno dalang hangin ng hurricane Irma na umaabot sa 120 kilometro kada oras.
Samantala, aabot naman sa 72,000 mga tao ang nailikas at pansamantalang nananatili sa halos 400 mga evacuation centers sa Florida.
Inaasahan namang maaapektuhan din ng hurricane Irma ang mga estado ng Georgia, Alabama, Tennessee, South at North Carolina.
—-