Matapos ang kontrobersyal nilang kasal, agad sinimulan ng bagong kasal na Matteo at Sarah Guidicelli ang pagbuo sa magiging tahanan ng kanilang bubuuing pamilya.
Makikita sa Instagram post ni Dra. Vicki Belo ang kanyang anak na si Scarlett habang tinutulungan ang mag asawa na mamili ng plato, utensils at cups.
Ang sabi pa ni Dra. Belo sa kanyang post, para sa bagong bahay ng mag asawang Sarah at Mateo ang mga binili nilang utensils.
Nakakatuwa anya si Matteo dahil nagkukunwaring alam nya kung ano ang mga dapat piliin.
Sa kapareho ring araw, namataan naman si Sarah na namimili ng mga damit sa isang mall sa Makati City.