Ito ang binigyang diin ni Cagayan Gov. Manuel Mamba matapos ibasura ng Comelec En Banc ang petition for disqualification na inihain laban sa kanya ng katunggaling si Zara Lara.
Sinabi Mamba na tagumpay ito ng 302,025 Cagayanos na bumoto at nagtiwala sa kanya na patunay din aniya kung gaano kabuti ang Panginoon upang mangibabaw ang katotohanan.
Idinagdag ng gobernador na bawat botanteng mamamayan ay batid na wala siyang biniling boto at pinagsisikapan niyang mabigyan ng mabuting pamamahala ang lalawigan.
Kasabay ng pasasalamat sa Comelec, nangako rin si Mamba na gagampanan nito nang mahusay ang tungkulin niya hanggang sa pagtatapos ng kanyang termino sa 2025.