Ipinanawagan ni Bayan Muna Rep. Eufemia Cullamat ang katarungan para sa mga biktima ng human rights violations kabilang na ang mga Lumad at ilan pang mga biktima sa buong mundo kasabay ng pagdiriwang ngayong araw ng International Human Rights Day.
Aniya, mariin nitong kinokondena ang patuloy na paglapastangan, pag-alipusta at hindi pagkilala sa karapatan ng mga katutubo.
Kasalukuyan namang nagsasagawa ang ilang grupo ng Kilos-Protesta kasabay ng pagdiriwang ng International Human Rights Day. —sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11), sa panulat ni Airiam Sancho