Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang hustisya sa pagkamatay ng Pinay OFW sa United Arab Emirates (UAE) na si Mary Anne Daynolo.
Una nang napaulat na nawawala si Daynolo noong Marso nakaraang taon, at nitong isang linggo lamang nang matagpuan ang kanyang bangkay.
Ayon kay DFA Secretary Teodoro Locsin Jr., hindi sila titigil sa pag-iimbestiga at titiyaking mahuhuli ang dalawang Ugadan nationals na pinaniniwalaang may kagagawan sa pagkasawi ni Daynolo.
Samantala, naghain naman ng isang resolusyon si Senator Risa Hontiveros na naglalayong matigil na ang illegal trafficking ng mga Pilipino sa Middle East.
Paliwanag ng Senadora, isa kasi ito sa dahilan kung bakit nalalagay sa kapahamakan ang mga kababayang Pinoy abroad.