Nangako ang Commission on Human Rights (CHR) na sisikaping mabigyan ng hustisya ang krimen kaugnay sa panggagahasa at pagpatay sa isang kinse-anyos na batang babae sa Batangas.
Ayon kay CHR Spokesperson Jacqueline Ann De Guia, gagawa ng sariling imbestigasyon ang konstitusyon upang tumulong sa paghahanap ng katotohanan at hustisya para sa paglabag sa mga karapatan at dignidad ng isang bata.
Matatandaang nadiskubre ang wala nang buhay na katawan at hubo’t hubad na menor de edad sa Barangay Sta. Maria nitong Nobyembre 8 kung saan isang tanod ang hinihinalang sangkot sa krimen. —sa panulat ni Airiam Sancho