Kinundena ng COMELEC ang pagpatay sa isang election officer sa Zamboanga Del Norte.
Kaugnay nito, tiniyak ni COMELEC Acting Chairperson Socorro Inting ang hustisya para sa pamilya nang pinaslang na si Engineer Maricel Peralta.
Sinabi ni Inting na nakikipag ugnayan na sila sa PNP at magbibigay ng update lalo na sa pamilya ni Peralta hinggil sa itinatakbo ng imbestigasyon.