Hindi tinatantanan ng Malacañang ang paghahanap ng hustisya para sa mga nasawing miyembro ng Philippine National Police Special Action Force o PNP-SAF.
Ito’y sa kabila ng pagbababa ng armas ng Moro Islamic Liberation Front o MILF na itinuturong pumatay sa SAF 44 sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr., bahagi aniya ng paghahanap ng hustisya para sa SAF 44 ang ginawang decommissioning sa mga armas ng MILF kaya’t tiniyak na hindi ito masasakripisyo.
Sinabi rin ni Coloma na patuloy din ang ginagawang imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) para makapagharap ng kaso sa mga nasa likod ng pagpatay sa SAF 44.
By Jaymark Dagala