Umapela ang gobyerno ng South Korea sa Pilipinas na bigyan ng hustisya ang pagpapatay sa kababayan nilang si Jee Ick-Joo.
Ayon sa South Korean Embassy, dapat magsagawa ng malalimang imbestigasyon ang gobyerno ng Pilipinas at bigyang linaw ang lahat ng sirkumstansiya ng pangyayari at mapanagot ang mga nasa likod ng krimen.
Nito umanong Enero 17 ay inanunsyo ng embahada na tumawag umano sa kanila si Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay at ipinaalam ang kaso ni Jee.
Magugunitang dinukot ang negosyante sa Angeles City, Pampanga noong Oktubre 18 pero pinatay makalipas umano ang isang araw matapos madiskubre ang insidente kung saan itinurong mastermind si SPO3 Ricky Santa Isabel.
By: Drew Nacino