Binatikos ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang aniya’y patuloy na lumalaking bilang ng mga pagpatay sa bansa.
Sa kaniyang mensahe kaalinsabay ng pagdiriwang ng ika-isandaan at dalawampung Araw ng Kasarinlan kahapon, sinabi ng kardinal na huwad ang kalayaan kung patuloy na pinaglalaruan ang katarungan.
Binigyang diin pa ni Cardinal Tagle ang pagpatay kay Fr. Richmond Nilo ng Diocese of Cabanatuan, Nueva Ecija aniya’y hindi pinalampas ng masasamang loob na aniya’y pagyurak sa buhay na taliwas sa kalooban ng Diyos.
Iginiit pa ng kardinal, hindi kailanman naging sagot sa anumang suliraning panlipunan ang pagpatay sa anumang paraan kaya’t panahon na para kumilos ang pamahalaan upang tignan ang aniya’y talamak na pagkalat ng armas sa bansa.
—-