Iba’t ibang hakbangin ang ikinakasa ng mga bansa para mapasigla muli ang kanilang kalakalan, production operations at iba pa sa gitna na rin ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Binigyang diin ito ni NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon kaya’t hindi uubrang ikumpara ang trade at economic performance ng Pilipinas sa iba pang mga bansang apektado rin ng pandemya.
Mayruon aniyang kunsiderasyon sa pagtugon ng isang bansa at kanilang trading partners sa kasalukuyang sitwasyon.
Sinabi ni Edillon na ang pagbilis o pagbagal ng kalakalan ay indikasyon lamang ng ilang adjustment na magandang palatandaan ng economic activity.
Sa kabuuan ipinagmalaki ni Edillon ang nakikita nilang recovery sa manufacturing sector na pangunahing bahagi para makabawi mula sa dagok sa ekonomiya ng global health.