Pinagreretiro na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang nasa 520 metriko toneladang barya para hindi na magamit pa sa merkado.
Ayon sa BSP, ang 519.93 metric tons na mga barya ay Unfit, Demonetized, Mutilated at Counterfeit (UDMC) coins.
Isasailalim naman sa coin defacement ang mga barya upang mabago ang disenyo sa ibabaw nito para hindi na maipaikot sa merkado.
Samantala, patuloy na nanawagan ang BSP sa mga consumer na huwag ipunin ang mga barya dahil maaari itong mawalan ng halaga pagdating ng panahon. —sa panulat ni Hannah Oledan