Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang dapat ikatakot ang mga Pilipinong sumusunod sa batas.
Ito’y sa gitna ng kontrobersiya sa bagong batas na anti-terrorism law.
Ayon kay Pangulong Duterte, hindi dapat matakot ang mga Pilipinong wala namang hangad o planong masama laban sa gobyerno.
For the law-abiding citizens of this country, I am addressing you with all sincerity. Huwag ho kayo matakot kung hindi ka terorista,” ani Duterte.
Sinabi pa ng pangulo na maging sya ay ayaw rin ng gulo o giyera.
Wala naman gustong may gyera. Ako ayaw ko. Lalo na ako,” ani Duterte.