Nagpaalala si dating House Speaker Alan Peter Cayetano sa kapwa nito opisyal ng pamahalaan na huwag maging balat sibuyas at sa halip palaging maging responsable sa pagbibigay ng tulong sa publiko sa gitna ng tumataas na bilang ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Cayetano, sa nakalipas na isang taon ng pananalasa ng pandemya, dapat ay natuto na ang pamahalaan na kailangang mabilis ang pamimigay ng ayuda sa publiko.
Kung kaya’y hinimok ni Cayetano ang pamahalaan na bilisan na ang vaccination program nito at ang paggulong ng mga programa na makatutulong sa mga naghihirap na Pilipino ngayong may pandemya
Bunsod nito, nanawagan din si Cayetano sa kapwa nito mambabatas na aprubahan na ang P10,000 ayuda bill na kanyang inihain sa Kamara.