Huwag magtapon ng basura sa maling lugar.
Ito ang panawagan sa publiko ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos matapos ideklara ng PAGASA ang pagsisimula ng panahon ng tag-ulan.
Ayon kay Abalos, dapat itapon nang maayos ang mga basura upang hindi ito magdulot ng pagbaha lalo na ngayong rainy season.
Sinabi ng opisyal na basura ang dahilan ng pagbabaha at pagbabara ng mga daluyan ng tubig sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.
Nabatid na gumagana pa rin ang 67 pumping stations ng MMDA.