Walang plano ang Malakanyang na pag-aksayahan ng panahon ang pahayag ni Senador Antonio Trillanes IV makaraang nitong sabihin na mai-impeach si Pangulong Rodrigo Duterte pagsapit ng Mayo.
Inihayag ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na mas makabubuting huwag nang pansinin ang mga kathang isip na pahayag ni Trillanes.
Una ito, sinabi ni trillanes na may 12 opisyal ng gobyerno na kaalyado umano ng komunista ang gagamit ng pondo para palakasin ang pwersa ng mga rebelde at para patalsikin sa pwesto ng Presidente.
By Meann Tanbio | With Report from Aileen Taliping