Wala nang dapat pagtakhan sa mga lumulutang na tambalan sa 2022 elections mula sa magkaibang partido.
Ayon ito kay Political Analyst Professor Clarita Carlos matapos lumutang ang posibleng Pacquiao-Isko tandem bukod pa sa nakumpirmang pagpalaot sa 2022 elections nina Senador Panfilo Lacson at Senate President Vicente Sotto III.
Sinabi sa DWIZ ni Carlos na iba naman ang proseso ng pulitika sa bansa dahil sa napakaraming political party kumpara sa Amerika na bitbit ng presidentiable ang kanyang vice presidentiable.