Pinayuhan ni Catholic Bishops of the Philippines President at Caloocan Bishop Pablo Virgilio David ang mga botante na huwag pumili ng leader batay sa resulta ng mga Survey.
Ibinabala ni David na babagsak ang bansa kung ganito ang paraan ng pagpili sa mga pinuno.
Dapat anyang magsaliksik ang publiko sa mga issue, kasaysayan, background at track record ng kandidato bago pumili ng nararapat na mamumuno sa bansa.
Iginiit ni Bishop Ambo na dapat timbangin ng publiko ang mga nagawa, kwalipikasyon at kredibilidad ng mga kandidato, partikular sa pagka-pangulo, lalo’t ito ang pinaka-mataas at pinaka-mahalagang posisyon sa bansa.