Ipinayo ng isang eksperto sa Administrasyong Duterte na huwag umatras sa laban hinggil sa agawan ng Teritoryo sa West Philippine Sea
Ito’y ayon kay Prof. Lionel Jensen, Chinese Historian at Political Analyst mula sa Notre Dame University ay kasunod ng ilalabas na desisyon ng international arbitral court sa Hulyo 12
Binigyang diin ni Prof. JENSEN na makatutulong pa sa Pilipinas ang mapaghamong hakbang ng China na magsagawa ng military at naval drills sa nasabing karagatan
Ngunit naniniwala ang propesor na hindi magtatagumpay ang China sa halip, magagamit lamang ito ng Pilpinas upang mas pumabor pa sa bansa ang magiging desisyon ng United Nations
By: Jaymark Dagala