Inilunsad na ng Department of Science and Technology o DOST ang hybrid electric road train.
Ito’y isang uri ng sasakyan na tila pinagdikit-dikit na bus na animo’y may hitsurang isang tren at may habang nasa 40 metro.
Ayon sa DOST, gawang Pinoy ang hybrid bus na dinesenyo ng mga inhinyero mula sa Metals Industry Research and Development Center ng ahensya.
Dagdag pa ng ahensya, mas episyente ang hybrid bus kumpara sa conventional railway system dahil hindi na nito kailangan pa ng alternating current mula sa mga suspended cable.
Bukod pa rito, ligtas din sa kalusugan ang hybrid bus dahil mas mahina ang smoke emissions nito kumpara naman sa pampubliko at pribadong sasakyan.
By Jaymark Dagala