Inihayag ng Commission on Election (COMELEC) na mag-oorganisa ito ng “Hybrid Debates” na binubuo ng isang pangunahin at tatlong presidential debates para sa 2022 Elections.
Sinabi ni COMELEC Spokesperson James Jimenez, posibleng magkaroon ng primarily debate, tatlong presidential debate, at tatlong vice presidential debates kung saan magiging Hybrid Debate ito.
Bukod dito, sinabi ni Jimenez na harapan ang magiging debate ng mga kandidato habang virtual naman ang kanilang mga audience.
Nilinaw naman ni Jimenez na pinaplano pa lamang nila ang magiging flow nito ngunit posibleng sa buwan ng enero nila ilabas ang mga teaser para sa nasabing debate.
Samantala, maglalabas ang komisyon ng mga panuntunan hinggil sa isasagawang debate para maiwasan ang pagkalat ng virus.