Nagkakaisa ang mga alkalde sa Metro Manila na mai-extend pa sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) ang National Capital Region (NCR).
Ipinabatid ito ni Paranaque City Mayor Edwin Olivarez, chairman ng Metro Manila Council (MMC) bagama’t magkakaruon lamang aniya ng ilang pagbabago sa GCQ para bigyang daan ang pagbubukas muli ng ekonomiya nang hindi naisasakripisyon ang health protocols.
Sinabi pa ni Olivarez na maaaring ipatupad ang hybrid GCQ kung saan bubuksan ng bahagya ang hanapbuhay at ekonomiya sa kalakhang Maynila.
Kasabay nito inihayag ni Olivarez na ina-assess pa ng LTFRB kung dadagdagan pa ang mga buma biyaheng pampublikong sasakyan sa Metro Manila.