Hindi pa rin obligado ang mga senador na dumalo ng pisikal sa pagbubukas ng ikatlong regular na sesyon ng ika-18 kongreso sa Lunes, Hulyo 26.
Ito’y ayon kay Senate President Vicente Tito Sotto III ay dahil sa hindi pa rin ligtas ang sitwasyon dulot ng kasalukuyang pandemiya ng COVID-19
Kabilang sa mga pisikal na dadalo sa pagubukas ng sesyon ay sina: Senate President Tito Sotto, Senate President Pro Tempore Ralph Recto, Majority Leader Juan Miguel Zubiri at Minority Leader Franklin Drilon.
Gayundin sina Sen. Ronald Bato Dela Rosa, Sen. Sherwin Gatchalian, Sen. Christopher Bong Go, Sen. Francis Tolentino, Sen. Joel Villanueva, Sen. Risa Hontiveros, Sen. Imee Marcos, Sen. Pia Cayetano, Sen. Nancy Binay at Sen. Bong Revilla.