Pinag-aaralan na ni Energy Secretary Raphael Lotilla ang paglipat sa hybrid systems upang makapagbigay ng long-term solutions sa problema sa enerhiya sa Pilipinas.
Sa isinagawang briefing sa Senate Energy Committee, inihayag ni Lotilla na dapat nang matuldukan ang labis na pagtangkilik ng bansa sa mga petroleum-based fuel.
Ito’y dahil lagi anyang makararanas ng pabago-bagong presyo ng oil products kaya’t dapat mag-invest sa solar, wind at iba pang renewable energy sources.
Gayunman, aminado ang kalihim na hindi ito mangyayari sa loob lamang ng maikling panahon at ang mahalaga ay dapat simulan ngayon pa lamang, lalo’t ang halaga ng renewables ay bumababa.