Naninidigan ang Commission on Elections (Comelec) na mananatiling automated ang magiging sistema para sa 2022 national at local elections.
Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, posible aniya na magdulot ng problema kung gagawing hybrid o ang pinagsamang manual at automated ang bilangan at ang canvassing sa mga boto.
Paliwanag pa ni Jimenez, hindi rin aniya nila kakayanin na magpatupad ng malaking pagbabago lalo’t ilang buwan na lamang ay magsisimula na rin ang panahon ng kampaniya.
Maliban dito, abala rin ang Comelec sa paghahanda para sa paghahain ng Certificate of Candidacy o COC ng mga nagnanais tumakbo para sa halalan.
Kasalukuyang tinututukan ng comelec ang nagpapatuloy na voter’s registration gayundin ang re-activation ng datos ng mga botante.