Aabutin pa ng 5 buwan bago tuluyang mapakinabangan ng publiko ang kauna-unahang Hybrid Train ng Philippine National Railways o PNR
Ito’y makaraang isapubliko kahapon ng Department of Science and Technology o DOST ang prototype ng tren na pinatatakbo ng diesel at kuryente
Ayon kay DOST Sec. MARIO Montejo, kailangan munang mapatunayan ang tibay at kaligtasan nito sa publiko bago tuluyang pakinabangan
Gayunman, ipinagmalaki ni PNR Chairman Manuel Torres na fuel efficient at maka-kalikasan ang naturang train system na siyang magiging kapalit ng mga lumang tren ng PNR
Gagamitin ang mga naturang Hybrid Trains bilang commuter express na bibiyahe mula Tutuban sa Maynila patungong Calamba sa Laguna
By: Jaymark Dagala