Ikinabahala ng Pilipinas ang isinagawang hydrogen bomb test ng North Korea.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, ang ginawang aksyon ng North Korea ay banta sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon.
Dagdag ni Cayetano, hindi lamang binalewala ng North Korea ang commitment nito sa United Nations Security Council para sa masolusyonan ang problema sa Korean Peninsula bagkus ay nililimitahan pa nito ang pagkakaroon ng maayos na pag-uusap.
Hinimok din ng kalihim ang North Korea na bumalik sa negotiating table.
Kasabay nito, pinatitiyak ni Cayetano sa Embahada ng Pilipinas sa Seoul na maipaalam sa mahigit 65,000 mga Pilipino sa South Korea ang nakalatag na contingency plans para sa repatriation sakaling mauwi sa kaguluhan ang sitwasyon doon.
By Krista de Dios