Nababahala ang Pilipinas sa mga nairereport kaugnay ng pag-test o pagsubok ng North Korea ng kanilang hydrogen bomb.
Ang pahayag na ito ng bansa ay inilabas sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs o DFA.
Ayon sa DFA, kinokondena ng bansa ang anumang paglabag sa United Nations o UN Security Council Resolutions na nag-uutos sa North Korea na huwag magsagawa ng anumang nuclear tests.
Kaya naman, kasama ang iba pang mga bansa gaya ng Estados Unidos, South Korea, Japan at China, hinihikayat ng Pilipinas ang North Korea na ihinto ang ganitong hakbang.
Isinusulong din ng bansa ang pag-abandona ng North Korea sa mga nuclear weapons nito at mga kaugnay na programa para sa kapayapaan at kaayusan sa rehiyon.
Kaugnay nito, una nang naiulat na nakatakdang makipagpulong ang UN Security Council sa naging aksyon na ito ng North Korea.
By Allan Francisco