Nagdulot ng mga serye ng pagguho ng lupa ang isinagawang hydrogen bomb tests ng North Korea noong nakaraang linggo.
Ito ay batay sa mga nakuhang sattelite images ng grupong 38 North matapos ang pangyayari.
Nakita rin na mas marami at malawak ang sira na idinulot ng naturang bomb test kumpara sa unang limang test na kanilang isinagawa.
Sinasabing umaabot sa 50 hanggang 120 kilotons ang lakas ng pinakahuling hydrogen bomb test ng North Korea kung saan tatlong beses na mas malakas ito kumpara sa bombang inihulog sa Hiroshima Japan noong 1945.
AR / DWIZ 882