Muling nagbabala sa publiko ang Department of Health (DOH) laban sa paggamit ng hydroxychloroquine para sa mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19.
Ayon sa DOH, hindi inirerekomenda ang chloroquine at hydroxychloroquine para sa mga pasyente na mayroong probable o confirmed COVID-19 pneumonia, gayundin sa mga outpatients na may mga sintomas ng coronavirus.
Ang dalawang nabanggit na gamot ay kilalang ginagamit bilang lunas laban sa malarya.
Giit pa ng ahensya, ang pinaka-epektibo pa ring panlaban sa COVID-19 ay ang palagiang paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng face mask, at pagsunod sa itinatakdang physical distancing.