Hindi na naninita ang mga kawani ng Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) sa mga pasahero ng pampublikong mga sasakyan na walang suot na face shield sa kahabaan ng Marcos Highway sa Cogeo, Antipolo City.
Kaugnay nito, pinagtuunan na lamang ng pansin ng nasabing kawani ang pagkakapuno o overloading ng mga sasakyan kung saan natiketan ang ilang mga jeep na may mga sabit na pasahero.
Samantala, naniniwala pa rin ang mga taga-I-ACT na ang pagsusuopt ng face shield sa mga de-aircon na sasakyan tulad ng modern jeepneys, UV express at bus ay makatutulong pa rin para makaiwas sa impeksyon mula sa COVID-19. —sa panulat ni Airiam Sancho