Hinimok ng Inter-Agency Council for Traffic ang mga mall owner maging ang mga operator na lumahok sa kampanya kontra colorum na mga sasakyan.
Ayon kay I-Act Head at M.M.D.A. General-Manager Tim Orbos, dapat mag-presenta ang mga mall owner at operator ng kani-kanilang terminal plans sa Department of Transportation at Land Transportation Franchising and Regulatory Board.
Ito, anya, ay upang maiwasang makapag-operate sa kanilang mga lugar ang mga colorum na Public Utility Vehicle na iligal na naglalagay ng terminal sa paligid ng mga mall.
Ipinunto ni Orbos na mahalaga ang pagpapatupad ng traffic reduction measures sa mga mall at shopping center dahil nagsisilbing transport hub ang mga ito.
Magugunitang ibinabala ng MMDA na asahan na ang mas matinding pagsisikip sa daloy ng trapiko tatlong buwan bago ang Pasko.
SMW: RPE