Pinaghuhuli ng Inter Agency Council on Traffic (I-ACT) ang mga overloading na bus sa bahagi ng Macapagal Boulevard sa Pasay City, kaninang umaga.
Umabot sa pitong bus ang sinita na lumabag sa batas hinggil sa overloading.
Ang mga bus ay galing sa PITX at patungong Monumento ngunit, napag-alaman ng mga enforcer ng I-ACT na nagsasakay na ng mga pasahero ang ilan sa mga bus doon pa lamang sa Cavite kung saan nakagarahe ang mga ito.
Isa sa mga bus na nahuli ng I-ACT ay nasa 47 ang sakay na dapat ay 13 lamang sa kapasidad nito.