Naghahanda na ang Inter-Agency Council on Traffic o I-ACT para sa ikinakasang tigil-pasada ng grupong PISTON sa Lunes, Marso 19.
Ayon sa I-ACT, sisiguraduhin nilang makapagbibigay sila ng alternatibong transportasyon para sa mga commuter na maaapektuhan ng transport strike.
Sinabi ni Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) Board Member Aileen Lizada, bubuhayin nila ang joint quick response team para mabantayan ang mga lugar na pagdarausan ng protesta ng PISTON.
Maliban dito, nakatakda ring mag-deploy ang pamahalaan ng dalawampung (20) pribadong bus kasama ang mga sasakyan mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH), Metropolitan Manila Development Auhtority (MMDA), Philippine Coast Guard (PCG), Armed Forces of the Philippines (AFP) at iba pa.
Sinabi pa ni Lizada na magbabantay din ang mga tauhan ng PNP Highway Patrol Group at mga kawani ng Land Transportation Office (LTO) at LTFRB sa mga lugar na pagdarausan ng protesta ng PISTON.
—-