Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang mga kontrobersiyal na mga pahayag laban sa mga kababaihan.
Matatandaang umani ng batikos ang makailang ulit na tila pangmamaliit ng Pangulo sa mga kababaihan.
Kasama na dito ay ang pahayag nitong ayaw niyang pulitiko o kaya naman ay babae ang siyang maupo bilang bagong Ombudsman.
Sa kanyang naging pahayag sa Davao City kahapon, sinabi ng Pangulo na naniniwala siya sa kagalingan at kapasidad ng mga kababaihan ngunit may ilan lamang talagang trabaho ang hindi bagay o naaayon sa mga babae.
“[Women are] unlike men, kami suntukan, bakbakan, barilan. We grew up in a sort of mind set na sometimes prone to violence.”
“Itong mga babae, mga prim and proper man yan, isang tingin lang sa nanay, tunaw na ‘yan. Tapos gawin mong pulis? Hindi sa wala akong bilib. I believein women, their competence and capability, pero hindi lahat sa buhay dapat.” Pahayag ng Pangulong Duterte
—-