Nanawagan ang grupong In Defense of Human Rights and Dignity Movement o I-Defend na bawiin ang nominasyon ni Presidential Spokesman Harry Roque bilang miyembro ng United Nations International Law Commission o UN-ILC.
Inilarga ng I-Defend ang kanilang panawagan sa pamamagitan ng online petition.
Ayon sa grupo, walang “moral at ethical integrity” si Roque upang magtrabaho sa isang prestihiyosong international body.
Taliwas anila ang prinsipyo ng palace official sa prinsipyo ng human rights at International treaties at dudungisan lamang ang reputasyon ng ILC
Nakalikom na ang I-Defend ng aabot sa ng mahigit 5,100 lagda.—sa panulat ni Drew Nacino