Umaasa ang pamilya Castillo na magiging instrumento ang kanilang anak para matigil na ang hazing sa bansa.
Ayon kay Carmina Castillo, dapat na matigil ang walang kuwentang pananakit at pagsailalim sa hazing dahil sa nasasayang na buhay.
Kasabay nito ay nanatiling buo ang kanilang pag-asang magkakaroon ng hustisya ang pagkamatay ni Atio.
“I want justice for my son, sana his painful death will make a change, sana no more moms can suffer this again, so by the time my daughter has her children wala nang ganito, no more untimely death because of hazing, sayang ang future ng mga bata, they have hopes, dreams, let’s give them the chance to fulfil their dreams.” Ani Ginang Castillo
Samantala, umapela din si Ginang Castillo na isoli na ng suspek na si John Paul Solano ang mga gamit ng kanyang anak.
Ayon kay Castillo, posibleng na kay Solano pa rin ang wallet, cellphone at salamin ng kanyang namayapang anak.
Una nang inamin ni Solano na half-dead pa lamang si Atio nang makita niya ito at inihatid sa ospital.
“Ibalik niya yung gamit ng anak ko sa akin, the last few items that he had with him is glasses, his cellphone, his wallet, kung nakita niya at nasa kanya, sana ibalik niya sa amin.” Dagdag ni Ginang Castillo
Umaasa rin si Ginang Castillo na mabibigyan ng mas matalas na pangil ang batas laban sa hazing.
“Maybe change the law, make it tougher, make it harder for those in a conviction.” Pahayag ni Ginang Castillo
(Laban Para sa Karapatan Interview)