Mananatili ang ‘deployment ban’ ng mga Overseas Filipino Worker o OFW sa bansang Kuwait.
Ito ang binigyang diin ni Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ng pagkakadiskubre sa bangkay ng isang Pinay worker sa freezer sa isang apartment sa nabanggit na bansa.
Sa isang pulong balitaan sa lungsod ng Davao, nilinaw ng Pangulo na ayaw niya namang maka-offend ng alin mang pamahalaan ngunit kapakanan aniya ng mga Pinoy ang kanyang iniisip.
Ayon sa Pangulo, inatasan na niya si Labor Secretary Silvestre “Bebot” Bello III na pauwiin ang mga Pinoy na gusto nang umuwi sa bansa sa loob ng pitongpo’t dalawang (72) oras.
Nakalulungkot aniyang isipin na habang inaayudahan natin ang ibang bansa ay masama namang kapalaran ng ating mga kababayan ang nagiging kapalit nito.
Everyone who wants to come home, I said to Secretary Bello, those who want to be repatriated, with or without money, I will ask PAL [Philippine Airlines] and Cebu Pacific to provide the transportation.
I want them out of the country those who want to go out in 72 hours.
I will not… let’s say it’s about one week, no. We will count our lives by hours because apparently, every hour there is a suffering in agony.