Opisyal nang isinara ni Los Angeles Lakers’ superstar Kobe Bryant ang posibildad ng muling pagsabak sa NBA.
Ito ang kinumpirma ni Bryant sa isang press conference matapos ang kanyang 60-point farewell performance laban sa Utah Jazz.
Pinangunahan ng tinaguriang the ‘The Black Mamba’ ang come form behind na panalo ng Lakers kontra Jazz sa score na 101-96.
Ang 60-point performance ni Bryant ay pinakamataas na score ng isang NBA player sa kanyang farewell game.
Sa kabuuan ng kanyang career, nakapagtala si Bryant ng 33,643 career points, 5 championship title, 18 All-Star games appearance at nagwagi ng 1 MVP trophy.
Ani Bryant, “You might catch a glimpse of me on Twitter or Instagram, but I’ll never play in an NBA game again.”
By Mark Makalalad