Handang magbigay ng operational at cyber-security training ang Indian Armed Forces sa Armed Forces of the Philippines para sa pagpapalakas ng defense engagements ng dalawang bansa.
Ito ang inihayag ni indian ambassador to Manila Shambhu Santha Kumaran nitong Huwebes kay department of National Defense OIC Undersecretary Jose Faustino jr.
Ayon kay Faustino, isa ang india sa pinakamahalagang partner ng bansa sa Indo-Pacific Region.
Binigyang-diin din nito ang mahalagang papel ng pagpapalakas ng ugnayan sa ‘like-minded countries’ upang manatili ang stability sa rehiyon.
Ikinagalak naman ng dalawang bansa ang oportunidad na palakasin ang Defense Military Relations ng Pilipinas at India.
– sa panunulat ni Hannah Oledan