Itinanggi ng kapamilya actor na si Ian Veneracion ang mga epekulasyong mag-oober the bakod na siya sa kalabang istasyon.
Kasunod ito ng pagpopost ni Ian ng larawan kung saan kasama niya sa isang dinner ang talent manager na si Perry Lansingan at Senior Vice President for Entertainment ng Kapuso Network na si Ms. Lilybeth Rasonable.
Paglilinaw ni Ian, walang ibang kahulugan ang nasabing larawan at magkapitbahay talaga sila ni lansingan kaya nagkayayaan lamang na magdinner.
Dagdag pa ng aktor, wala siya planong lumipat at tiniyak na masaya siya sa kapamilya network.
Ibinahagi rin ni Ian na marami pa siyang nakalinyang mga proyekto sa kapamilya network kabilang ang isang pelikula sa ilalim ng Star Cinema.