Hindi na kinakailangan pa ng Internal Affairs Service (IAS) na humiwalay sa Philippine National Police (PNP).
Ito ang naging pahayag ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa gitna ng hirit ng IAS na maging independent sa PNP para maging epektibo sa kanilang pag iimbestiga sa mga pulis iskalawag.
Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, suportado nito ang anomang hakbang na magpapatibay pa sa IAS ngunit hindi ang pagbukod nito sa PNP.
Aniya, posible naman na direktang pagreportin ang IAS sa chief PNP o kalihim ng DILG sakaling mayroon ng desisyon na dapat ipatupad.