Binawi ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang naunang pasiya hinggil sa pagsasagawa ng mga pagtitipon tulad ng religious at work activities sa mga lugar na isinailalim na sa general community quarantine (GCQ).
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque kasunod ng mga natanggap na reklamo ng IATF mula sa mga lokal na opisyal.
Ayon kay Roque, nagpahayag ng pangamba ang mga local chief executives dahil magiging imposible anila ang mahigpit na pagpapatupad ng physical distancing sa mga religious at work related gatherings
Dahil dito, sinabi ni Roque na nagpasiya ang IATF na baguhin ang guidelines sa GCQ at muling ipinagbawal ang lahat ng klase ng mga mass gatherings na tulad ng ipinatutupad sa ilalim ng ECQ.
Dagdag ni Roque, kanila na ring isinangguni ang nabanggit na pasiya sa iba’t ibang relihiyon.