Bumuo na ng task group ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) bilang paghahanda sa programa ng pamahalaan para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccination.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, pamumunuan ng Department of Health (DOH) ang binuong COVID-19 Immunization Program Management Organizational Structure.
Kaugnay nito, inatasan na rin ng IATF ang DOH na agad pulungin ang bagong tatag na task para sa COVID-19 immunization at bumuo ng mga sub-task groups kung kinakailangan.
Sinabi ni Roque, dahil sa pagbuo ng naturang task group, matitiyak ang matagumpay at sistematikong pagpapakalat ng bakuna kontra COVID-19 sa target na populasyon.
Una nang sinabi ni Roque na plano ng pamahalaan na libreng mapabakunahan ang nasa 20 milyong Filipino kung saan prayoridad ang mga mahihirap, pulis at sundalo.