Hindi tinanggap ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang paki-usap ni Pasig City Mayor Vico Sotto na pansamantalang payagan ang pagbiyahe ng mga tricycles sa gitna ng suspensyon sa mass public transport bunsod ng enchanced community quarantine sa buong Luzon.
Ayon kay IATF Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, ikinababahala nila sa paggamit ng mga tricycles ay ang kawalan ng social distancing sa mga mananakay at driver nito.
Sinabi ni Nograles, maaaring gumamit o humiram ng ibang klase ng sasakyan ang mga Local Government Unit (LGU)’s maliban sa mga tricycle.
Iginiit ng kalihim, hindi ligtas sa mga health workers at frontliners ang pagsakay sa tricycle dahil nagiging lantad din sila sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) dahil sa kawalan ng social distancing dito.