Nanawagan ang Department of Health sa mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila na hintayin na makapaglabas ng desisyon ang IATF kaugnay sa paglabas ng executive order sa pagsusuot ng face shield.
Ginawa ito ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire kasunod ng pagdeklara ng alkalde ng Maynila na si Isko Moreno Domagoso sa non-mandatory na pagsusuot ng face shield maliban sa mga ospital na kaniyang nilagdaan sa ilalim Executive Order no.42.
Ani Vergeire, maglalabas pa lamang ng updated na rekomendasyon ang mga eksperto bago ihain ng DOH sa IATF sa Huwebes.
Samantala, ipinaubaya na lamang ng DOH sa DILG ang nasabing usapin. —sa panulat ni Airiam Sancho