Inamyendahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang ilang panuntunan sa pagsasailalim ng lugar sa Alert level 1.
Sinabi ni deputy presidential spokesman Kris Ablan, ilan dito ay ibinaba sa 70% na lamang ang dapat makakumpleto ng bakuna sa mga senior citizen.
Kailangan din ay mababa sa 50% ang total bed utilization rate sa mga ospital.
Dapat din ay nasa low to minimal risk classification ang mga kaso ng COVID-19 at kailangan nasa 70% ang fully vaccinated sa target population.
Samantala, para naman sa mga provincial bus, hindi na required ang mga ito na gumamit ng integrated terminal exchange sa Metro Manila epektibo sa March 24, 2022.
Habang pinapayagan na ang 100% capacity sa lahat ng pampublikong sasakyan.